Custom Search

Tuesday, October 2, 2007

MY ARMENIAN BESTFRIEND

After two looong months ay babalik na rin sa Dubai ang bestfriend ko a.k.a. mommy dxb. Grabe, na miss-ko naman sya sobra. Siguro kasi nasanay ako na every single day magkasama kami at na miss ko ang walang katapusan diskusyon namin sa bahay. Well, first off, there are a lot of things to talk about dahil nga magkaiba kami ng pinagmulan. Filipina ako at Armenian sya. Pero feeling ko mas marami sya natutunan sa kin when it comes to Filipino food and stuff. I really never imagine na magki-click kami pero yun nga when I moved to her place…puro FUN & CRAZY memories lang talaga…until she got married at kailangan na nya lumipat ng house.

Anyways, share ko lang mga nakakatuwa at interesting experience living with my Armenian bestfriend in Dubai J


v Tinuruan ko sya mag-saing sa rice cooker pero later on…mas magaling na sya sa akin kasi mas marunong na sya mag-saing sa kaldero at ako hanggang rice cooker pa lang din haha!
v Shempre pa favorite nya ang aking chicken adobo at beef nilaga.
v Adik na sya sa Mama Sita sweet and sour sauce…at nagpi-freak out sya dahil wala syang mahanap na mama sita sa Ukraine hahahaha..
v Mahilig na rin syang mag fried/garlic rice at lagi pinagmamalaki sa mga kapatid nya at mom nya na marunong sya magluto nun. Nye!
v Fave Filipino breakfast namin ang garlic rice, pritong talong, sunny side up eggs…at again Mama sita para sa kanya!
v Mahilig nya i-partner ang Mama sita sweet and sour sauce sa lahat ng kinakain nya…mapa-lebanese bread, Doritos chips, rice, salad, or whatever!


Mga bagay na sobrang na-appreciate ko sa kanya…


v Di ko ka kailangan magsalita kapag may prob ako lagi nya nase-sense yon at di nya ako iniiwan sa ere…lalo na kapag prob sa ex ko haha..
v Kahit na sobrang hindi sya boto sa ex ko hinahayaan nya ako mag decide pero laging may mga pangaral.
v Pinagpa-plantsa nga ako ng uniform dahil talent nya yun!
v Kahit na hirap sya sa English sinasagot nya mga letters ko sa kanya. =)
v Tinahi nya sa kamay mga uniform ko dahil maluwag sa kin!
v Palagi nya pini-fix schedule nya before according to my sched para sabay kami lagi pumasok at umuwi
v Kapag off nya at early morning naman shift ko..at 5:30am pinagda-drive nya ako to work at sinusundo ako kapag uwian na.
v Sobrang love nya ang sister ko =)
v Maraming bagay ako natutunan sa kanya about life, love, relationship and GOD.
v Nakatira kami sa isang 3-bedroom flat. Pero she preferred to share her room with me…para mas okay ang bonding!. At ang room ko bakante lang.lol
v Marami din kami bagay na salungat…pero we always end up as friends pa rin.
v Nung pumunta ako ng Iran, dahil sobrang ayaw ko mag byahe…sya nag-empake ng stuff ko. Hinatid pa nya ako sa airport.
v Nung naaksidente ako sa Iran, pagbalik ko sa Dubai inalagaan nya ako at natuto sya sa pag-gamit ng efficacent oil para i-massage ang paa ko dahil hindi pa rin ako makalakad.


Fun and Crazy things…

v Wala kami Cable sa house. So ang bonding namin ay movies!!!..Tagalog, English and Indian movies. =)
v Ang first Filipino movie na napanood nya ay “Kung ako na lang sana” ni Sharon at Aga Mulach..na sobrang nagustuhan nya =)
v Galit na galit sya sa kin nung pinanood namin ang Close to you ni Bea at John Lloyd kasi natatamad ako mag translate! Hahaha…
v Palagi kami kumakain sa labas…pero later on naisip naming magtipid kaya pareho kami natuto magluto.
v Dahil 3 lang kami sa house, paborito nya ako pa-SCREEEAAAAMIN…lalo na kapag wala ang housemate namin at walang tutulong sa kin…gusto nya pa naka video!
v Ang panget ng mga Filipino words na unan nya natutunan ...(hindi ako nagturo)
v Mahilig sya makipagkwentuhan sa mga “pinay” sa grocery store na palagi syang niyaya pumunta sa pinas para mag-artista…hahahaha…
v Ayaw nya magpa-istorbo kapag naglalaro sya ng snake sa mobile nya.
v Mas matanda ako sa kanya pero tawag ko sa kanya ay mommy at anak ang tawag nya sa akin hahaha. Mukha kaming tanga!
v Madami syang mga crazy/ funny videos ng friends sa mobile na puro sya ang kumuha.
v Alam ko ang password ng mobile nya pero bawal malaman ng hubby nya!
v Lahat ng pics ko sa mobile nya ay nka save dahil pinakita nya sa family sa Ukraine…esp sa kapatid nyang si Arthur para gawin daw ako gf! Haha..Eh 12 yrs old lang si arthur.
v The best way to wake her up ay ipagtimpla sya ng kape at yung kape ilalagay lang malapit sa kanya para maamoy nya ung scent ng cofi haha..magigising na sya nun.

Ilan pa lang yan sa mga kwento ng fwendship namin. =) Can't wait sa kanyang pagbabalik heehee...

0 comments: